By: Edelita G. Allas

Pangunahing ininspekyon ng mga kawani ng DTI Quirino Provincial Field Office at LGU Diffun, katuwang ang ilang PNP Diffun Police Station personnel ang mga restaurant at beauty parlors sa isinagawa nilang “Post Audit Monitoring of Establishments.”

Inikot ng post audit team ang buong palengke ng Diffun upang matiyak na “generally compliant” ang mga naturang establisyemento sa tinatawag na “Basic Health Safety Protocols” na ipinatutupad sa panahon ng Community Quarantine. Ito ay kinabibilangan ng pagsunod sa 30% dine-in requirement sa mga kainan at pagsusuot ng face masks, face shield, pag-obserba ng social distancing, paglalagay ng foot bath, hand sanitizer o alcohol at pagkakaroon ng thermal scanner at record book sa bawat establisyemento. Ang mga PPE suits sa mga beauty salon ay mahigpit ding nirerequire maging ang pagkakaroon nila ng alternatibong pamamaraan para sa pagtanggap ng bayad mula sa mga kustomer.

Ang DTI ay naatasang magrekomenda ng “temporary closure of business” sa sinumang lalabag sa atas na ito ayon sa IATF Resolution Nos. 41 and 45, s 2020 at DTI MC 20-28 .