By Edelita G. Allas

Nagsagawa ng joint “Operation Timbangan” ang LGU Diffun, DTI at Consumer Welfare Organization ngayong araw, kaugnay pa rin sa paggunita at pagdiriwang ng Consumer Welfare Month.

Ininspeksyon ng grupo ang buong palengke ng Diffun at siniyasat ang mga timbangan ng mga tindero at tindera gamit ang calibrated test weights upang matiyak na tama ang timbang ng mga ginagamit na kilohan.

Samantala ay kanilang agarang kinumpiska ang mga depektibong timbangan upang hindi na muling magamit pa sa merkado.