By: Edelita G. Allas

Ang buong Bayan ng Diffun ay kasalakuyang may “pork shortage” sa merkado dahil sa sakit na African Swine Fever.

Naitala ang unang kaso ng ASF sa bayan noong Setyembre na mabilis na kumalat at sa ngayon ay umabot na sa 5 mula sa 6 na munisipalidad ng buong lalawigan.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer (MAO) Realson Corbe, ang mga apektadong baboy ay agaran nilang iniineksyunan ng gamot at inihuhukay 6 na talampakan mula sa lupa upang hindi na mahalukay pa ng iba pang hayop.

Ang bawat baboy na apektado ay binabayaran ng Department of Agriculture sa halagang Php5,000 kada ulo.

Umaangal man ang mga hog raisers at mga tindera sa kanilang kalugihan ay wala naman silang magawa.