By Edelita G. Allas

Sa pagpasok pa lamang ng unang araw ng taon ay pinasimulan na ng Business Permits & Licensing Office sa Bayan ng Diffun ang Business-One-Stop-Shop (B.O.S.S) at ito ay dinumog ng mga negosyante ng naturang bayan.

Sa pamamagitan ng programang ito ay napapadali ang pagproseso ng kanilang business permits sapagkat naririto na ang lahat ng mga ahensiyang may kinalaman sa aplikasyon ng new at renewal of business gaya ng BFP,RHU, DTI, Barangay Office, SSS,at DOLE.

Magtatagal ang B.O.S.S. hanggang Enero 20 ng taong kasalukuyan.