By: Edelita G. Allas

Pinangunahan ni Mayor May G. Calaunan, Vice-Mayor Marlito Corpuz, mga SB Members, at MLGOO Arceli Diaz ang Road Clearing Team na nagsagawa ng Road Clearing Operation sa Bayan ng Diffun.

Batay sa mahigpit na pahayag ni Pangulong Duterte sa kaniyang 2019 SONA na nagsasabing bawiin ang lahat ng public roads mula sa private uses ay nagkaroon ng iba’t ibang direktiba mula sa DILG upang mahigpit na ipatupad sa bawat LGU ang paglilinis sa mga daan at pagtatanggal ng mga road obstructions gaya ng mga illegally parked na sasakyan, signages, terminals at iba.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na mahigpit na ipatutupad ang mandatong ito at ang sinumang lalabag nito ay papatawan ng kaukulang parusa at ang bawat LGU na hindi makasusunod ay bibigyan ng show cause order upang magpaliwanag at kung hindi katanggap-tanggap ang dahilan ay maaaring mapatawan ng suspensyon ang mga namumuno sa bayan.

148592068_915473692613228_4100939481989282921_n

Picture 1 of 7