By: Edelita G. Allas

Umarangkada na sa Diffun, Quirino ang Philippine Identification System o PhilSys Registration sa pangunguna ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Ayon kay G. Israel Concepcion, Registration Center Supervisor, ang RA 11055 o PhilSys Act ang siyang batas na nakasasakop sa programang ito na naglalayong makagawa ng iisang ID sa bawat Pilipino bilang patunay ng ating pagkamamamayan.

Ito ay ipamamahagi ng libre sa bawat residente edad 15 pataas. Sa ngayon ay binibigyan ng Registration Team nang prayoridad ang mga nasa forest regions na makapagrehistro sapagkat sila ang karaniwang nagkakaroon ng suliranin sa pagpapakita ng valid proof of identification sa kanilang mga transaksyon.

Ang pagpaparehistro ng national ID sa Bayan ng Diffun ay magtatagal hanggang buwan ng Setyembre.