By: Edelita G. Allas

Sinimulan na ng Municipal Inspection and Certification Committee ang inspeksyon sa mga pribadong establisyemento sa Bayan ng Diffun.

Ito ay upang matiyak na ang mga business establishments ay “compliant” o nakasusunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng gobyerno ukol sa basic safety health protocols upang malabanan kasalukuyang pandemya.

Ang establisyementong kumpleto sa mga requirements ay binibigyan ng Inspection and Certification Committee ng Safety Seal Certificate na kanilang ididikit sa kanilang establisyemento bilang patunay sa kanilang masusing pagsunod sa mga batas na pinaiiral kontra Covid-19. Ito ay may 6-months validity at renewable pagkatapos ng anim na buwan matapos ang muling pagsisisyasat ng Inspection Committee.