By: Edelita G. Allas
Payak subalit makabuluhang ginunita ang ika-71 taong anibersaryo ng Bayan ng Diffun at ito ay isinagawa sa pamamagitan ng tree planting activity, nutrition month launching at maikling programa ng pasasalamat na ginanap sa Delfin Vaquilar Gymnasium.
Dahil pa rin sa umiiral na IATF restrictions ay may limitadong bilang lamang ang dumalo sa naturang pagtitipon at ito ay sa pangunguna ng butihing Punongbayan May G. Calaunan at VM Marlito Corpuz, mga halal na opisyales, Chief of Offices, ilang kawani ng munisipyo, at iba pang stakeholders mula sa iba’t ibang partner agencies gaya ng Quirino State University, DepEd, PNP, BFP, COMELEC, COA, CSC, NCIP, at mga kooperatiba sa bayan.
Matapos ang programa ay nagsalo-salo ang mga dumalo sa munting pamatid-gutom na inihanda ng Snacks Committee.