By Edelita G. Allas

Matapos ang validation sa mga bagong indigent members para sa social pension at listahanan beneficiaries ay ipinamahagi ng Landbank of the Philippines-Cabarroguis Branch katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office dito sa Bayan ng Diffun ang mahigit-kumulang 3,800 cash cards na gagamitin ng mga benepisyaryo sa paglabas ng Unconditional Cash Transfer (UCT) benefit na nagkakahalaga ng Php3,600 mula sa pamahalaan.

Ang UCT Program ay ang pinakamalaking tax reform mitigation program s ailalom ng TRAIN Law na naglalayong makapagbigay ng pinansiyal na tulong sa mga pamilya at maging sa indibidwal na nabibilang sa may mga maliit na kita subalit apektado sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Samantala ay lubos naman ang pasasalamat ni MSWD Officer Jane Macrina Navan sa pamunuan ng LBP Cabarroguis sa mabilis at maayos na pagproseso at pamamahagi ng naturang mga ATM o cashcards.