By: Edelita G. Allas

Kaugnay sa paggunita ng Lung Month Celebration ay isinagawa sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Quirino ang TB Caravan 2021 sa pangunguna ng Department of Health Cagayan Valley Center for Health Development (DOH CVCHD) at Philippine Business for Social Progress (PBSP) sa pakikipagtulungan ng Quirino Provincial Health Office at mga Lokal na Pamahalaan.

Ang mga dumalo ay nakapakinig ng karagdagang kaalaman at kabatiran tungkol sa sakit na Tuberculosis (TB) at gamit ang Mobihealth Diagnostic Clinic ay isinagawa naman ang libreng chest x-ray para sa edad 15 pataas.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapalakas ang TB Case Finding sa buong probinsiya upang tuluyang masugpo ang sakit na ito at maisabuhay ang #TBfreePh.