15 December 2022 | Ang lokal na pamahalaan ng Diffun, sa pangunguna ni Mayor May Garnace-Calaunan kasama sina Vice Mayor Marlito G. Corpuz at MLGOO Erick C. Danao ay tumanggap ng prestihiyosong parangal na SEAL of GOOD LOCAL GOVERNANCE ngayong taon.

Ang Seal of Good Local Governance ay sumisimbolo sa integridad at magandang pagganap ng mga lokal na pamahalaan. Ito ay isang patuloy na hamon para sa mga pamahalaang panlalawigan, lungsod, at munisipyo na gumawa ng mas mahusay ngayon at sa mga darating na taon.

Muli, isang mainit na pagbati sa ating LGU family at sa buong Diffunians!